Magandang balita dahil dumating na sa lungsod ng Maynila ang unang 40,000 kapsula ng Molnupiravir na inorder ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno, ang mga naturang anti-Covid Drug ay idineliber sa Sta. Ana Hospital, na siyang mayroong sapat na storage facility para dito.

Mismong si Moreno naman ang nanguna sa symbolic turn-over ng ilang kahon ng Molnupiravir sa Manila Covid 19 Field Hospital sa Luneta.

“We should always be ahead of COVID infections. We were the first to purchase Remdesivir and Tocilizumab. And now this wonder drug Molnupiravir, tayo din ang naunang bumili. I will continue to listen to science. I always listen to Doc Willie Ong when it comes to anti-Covid drugs,” pahayag pa ng alkalde.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Sinabi pa niya na ang agarang pagbili ng mga gamot kontra COVID-19 ay kumakatawan sa ‘Bilis-Kilos’ na kampanya ng Aksyon Demokratiko.

Pagtiyak pa niya, hindi lang ang mga taga-Maynila ang makikinabang sa 40,000 kapsula ng Molnupiravir, kundi maging ang ibang lungsod, munisipalidad at probinsya na nangangailangan nito.

“Iisang bangka tayo. Dito sa Maynila, welcome ang lahat. Sa abot ng aming makakaya, handa kaming tumulong sa ibang nangangailangan ng mga life-saving drugs gaya ng Remdisivir at Tocilizumab na maraming natulungan sa ibang lugar sa labas ng syudad,” dagdag pa ni Moreno.

Nabatid na ang running mate ni Mayor Isko na si Dr. Willie Ong ang nagrekomenda na bumili na ng Molnupiravir bilang gamot kontra COVID-19.

Naging available ang Molnupiravir (Molnarz) sa bansa matapos bigyan ng Compassionate Special Permit (CSP) ng Food and Drug Administration (FDA).

Batay sa pag-aaral, ang naturang gamot ay sinasabing makakabawas ng 50% sa posibilidad na maospital o mamatay ang isang pasyente na nahawa ng virus. 

Mary Ann Santiago