Nanawagan si vice presidential bet Inday Sara Duterte-Carpio sa kanyang mga supporters na proktetahan si presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at ang BBM-Sara Uniteam, nitong Linggo, Nob. 21.

“Anong magagawa ninyo? Tayong lahat? Anong magagawa natin? Sa ating suporta para masigurado natin, maipakita natin na hindi lang para sumuporta lang tayo pero walang mangyayari sa pangarap nating inaasam-asam. Anong mgagawa nating lahat? Kailangan masigurado natin na maprotektahan ang ating pagsuporta, protektahan natin ang ating kandidato, protektahan natin si BBM," sinabi ni Duterte-Carpio sa publiko sa ceremonial kickoff ng BBM-Sara Uniteam nationwide unity ride sa Tagum City, Davao del Norte.

Kumpiyansa ang Davao City Mayor sa karanasan ni Marcos sa pulitika sa larangan ng local governance at national legislation na makatutulong umano sa kanyang trabaho bilang susunod na presidente ng bansa.

“Bakit si Bongbong Marcos ang pinili ko na maka-partner? Unang-una he is a former governor, hindi natin maitatanggi o kailangan pagtalunan ‘yung karanasan niya bilang governor, parang ako, local chief executive. Pangawala, meron din siyang experience sa House of Representatives, naging congressman siya at naging senador siya, pinili ninyo at binoto ninyo kaya naniniwala ako na yan ang tutulong sa kanya para magawa niya ang trabaho sa pagkapangulo ng Pilipinas," ani Duterte-Carpio.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“There are times when we find ourselves to be the leader, but sometimes in our lives we need to stand behind another leader,” dagdag pa niya.

“BBM-Sara Uniteam nationwide synchronized caravan was a positively-charged, voluntary mass action for national unity, peace and prosperity,” ayon kay Marcos.

“Napagtagumpayan ng Pilipino ang digmaan, ang mga bagyo, ang mga sakuna, ang mga krisis dahil sa pagkakaisa," dagdag pa ni Marcos na naniniwalang mapagtatagumpayan ng bansa ang pandemya sa pamamagitan ng pagkakaisa.

Bukod sa Davao Cty, Tagum City, at Davao del Norte, nakilahok din ang mga BBM-Sara Uniteam supporters mula sa 15 probinsya at 30 lungsod sa Abra, Northern Luzon, Bicol Region, Calabarzon, Visayas, at Metro Manila sa "unity ride" nitong Linggo.

Sina Marcos at Duterte ang nangunguna sa presidential at vice presidential surveys ng mga poll research firms.

Melvin Sarangay