Inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa magkahiwalay na operasyon ang isang Chinese at Lebanese nationals dahil sa overstaying.

Sinabi ni BI intelligence chief Fortunato Manahan, Jr. na si Chen Chuishi, 35, ay nahuli sa labas ng kanyang tirahan sa Barangay Tanque, Roxas City dahil sa paso na nitong visa.

Sa kabilang banda, ang Lebanese na si Rabih El Acha Hassouneh, 43, ay nahuli sa isang restaurant sa Basak, Lapu-Lapu City.

Sinabi ni Manahan kay BI Commissioner Jaime Morente na si Hassouneh ay nagtatrabaho bilang chef nang walang kinakailangang work visa at overstaying.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang dalawang dayuhan ay dinala sa holding facility ng BI sa Bicutan, Taguig City habang nakabinbin ang kanilang deportasyon.

Jun Ramirez