Nakakatanggap ka ba ng mga spam message kamakailan?
Mabilis na itinuro ng mga netizen ang contract tracing requirements bilang pangunahing dahilan sa likod ng kamakailang pagdagsa ng mga text message na naglalaman ng spam habang ang ilan ay nag-aalok pa ng mga full-time na trabaho.
Sa kanilang panig, sinabi ng Department of Health (DOH) Nitong Lunes, Nob. 22 na nakipag-ugnayan ito sa National Privacy Commission (NPC) na nagsasagawa rin ng sarili nitong imbestigasyon ukol sa isyu.
Binanggit ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang NPC, ang pangunahing tanggapan ng gobyerno na may mandato na suriin ang mga ganitong klaseng scam o pagpapadala ng mensahe.
Pinaalalahan niya ang publiko, gayunpaman, na huwag gumamit ng mga privacy protocol bilang isang paraan upang itago ang mga personal na impormasyon para sa contact tracing.
“We would like to reiterate na kung ano man po iyong ating mga protocols for privacy this should not come in the way of having these details being used by our healthcare workers or professionals,”sabi ni Vergeire.
Idinagdag niya na nakasaad sa batas na ang mga mamamayan ay maaaring magbigay ng kanilang personal na detalye ngunit sa mga awtorisadong indibidwal lamang ng pamahalaan na kinabibilangan ng DOH at Department of Interior and Local Government (DILG).
Ito ay upang matiyak na ang hakbang sa contact tracing ay patuloy na ilulunsad upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga komunidad, ani Vergeire.
Dhel Nazario