Pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) chief, General Dionardo Carlos ang lahat ng pulis sa buong bansa na mahigpit na ipinagbabawal ang pag-inomsa loob ng kampo kasunod na rin ng insidente ng pananaksak ng isang opisyal sa kainumang sarhento sa Camp Simeon Ola sa Legazpi City, Albay kamakailan.

Paliwanag ni Carlos, nasa alituntunin ng PNP ang nasabing pagbabawal kaya dapat itong sundin ng mga miyembro ng kanilang hanay.

Ang pahayag ay inilabas ng heneral matapos ang umano'y nangyaring pananaksak ng basag na baso ni Col. Dulnoan Dinamling, hepe ng PNP Aviation Security Group sa Bicol region, sa nakainuman na siPolice Master Sgt. Ricky Brabante.

Naiulat na dumalo si Dinamling sa birthday party ng dati niyang kaklase sa PNP Academy na siCol. Lawrence Gomeyac, commander ng Regional Mobile Forces Battalion 5. Matatandaang bukod kay Dinamling, sinibak na rin sa puwesto si Gomeyac matapos ang insidente.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

“It is prohibited. They have to tell us why and kung meron vina-violate na regulasyon pasagutin natin sila doon sa kanilang violation," paliwanag pa ni Carlos na ang tinutukoy ay ang inuman sa loob mismo ng kampo.

Nitong Sabado, binisita ni Carlos si Brabante at tiniyak na ibibigay lahat ng PNP ang tulong na kailangan nito at mabibigyan din ng hustisya ang sinapit nito kay Dinamling.

Tuluyan nang nabulagsi Brabante dahil sa insidente.

Aaron Recuenco