Sinabi ni Presidential aspirant Senador Christopher "Bong" Go nitong Lunes na handa siyang sumailalim sa drug test matapos sabihin ni Pangulong Duterte na mayroong presidential candidate ang gumagamit ng cocaine.

“Ako naman po willing magpa-drug test," ani Go sa isang ambush interview sa General Santos City.

"Though hindi mandatory, pero just to prove lang po sa Pilipino kung sino yung fit na mamuno sa ating bansa, ay willing po akong magpa-drug test anytime of the day," ayon sa administrationcandidate.

Inihayag ito ni Go matapos magtungo sina Sen. Panfilo "Ping" Lacson at Senate President Vicente Sotto III sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang mag voluntary drug testing.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na ang nangungunang presidential candidate ay gumagamit ng cocaine. Hindi niya ito pinangalanan ngunit inilarawan niya bilang kilala na mula sa mayamang pamilya ngunit ito ay "weak leader."

Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/19/presidential-candidate-cocaine-user-duterte/

Hannah Torregoza