Pasok sa trending list ng Twitter, na mayroong 10k tweets kahapon, Nobyembre 21, ang content creator na 'VinCentiments' dahil sa bago nitong inilabas na video.
Ipinakita sa video ang isang senaryo na kung saan ay inutusan ng nanay ang anak nitong K-pop fan na mag-hugas ng pinggan. At dahil ay hindi agad sinunod ng anak ang utos ay nagwala ito sa galit.
Sinundan ito ng paninira ng nanay ng mga K-pop merch na binili ng kanyang anak habang sinusulsulan ng kapatid na lalaki.
Umani ng iba't-ibang reaksyon ang naturang video.
Maraming netizens ang naalarma sa video.
Ayon sa ibang fans, ginamit lamang nila itong content para sa 'clout.'
"vincentiments are portraying na pabigat lang mga kpop fans sa bahay. their content is not just a parent who's disciplining their child, their content can trigger people who suffer from abuse. i even saw a comment that they should "normalize" giving kids some trauma like wtf??" ani ng isang Twitter user.
Sumagot naman ang VinCentiments sa reaksyon na natanggap nila.
Sa buradong post, sinabi nitong hindi sila 'clout chaser' dahil ang virality rate nila ay 1 milyon sa loob ng tatlong oras.
"'yang content tungkol sa idol nyo, 24 hours na wala pa 1M — makasabi naman kayo ng "ANO? BUSOG NA BUSOG KAYO SA CLOUT NAMIN" HAHAHAAH!" pahayag ng content creator.
"send nyo address nyo dito, padalhan namin kayo ng tubig sa planggana — HILAMOS KAYO PARA MAHIMASMASAN."
Umabot na sa 95k likes ang video na may caption na "Asawa ni RM, ayaw maghugas ng plato. Nanay mong galit sa KPOP #BTS #Army #ArmyBomb #LightStick."