Pinuri ni vice presidential aspirant at House Deputy Speaker Lito Atienza nitong Lunes, Nob. 12 si Pangulong Duterte sa “pagsasabi ng katotohanan ukol sa mga isyu” na nakaaapekto sa kandidatura sa pagkapangulo ni dating Senador Ferdinand “Bongbong’’ Marcos Jr. ng Partido Federal ng Pilipinas.

“It is clear that President Duterte was referring to Bongbong Marcos. I am never convinced Bongbong will be a strong leader,” ani Atienza na tinutukoy ang pahayag ni Duterte nitong nakaraang linggo na isang presidential aspirant ang maaaring “weak leader.”

Sinabi ni Atienza, kinatawan ng Buhay Partylist, na inaasahan niyang magiging mas matalino ang mga tao sa sa pagsisimula ng presidential debate sa pagkapangulo, at sinabing ganap na mapapatunayan ang paglalarawan ni Duterte sa aspirant ng PFP.

“People will then be guided clearly than being blinded by money and power,” aniya sa isang virtual press comference sa Quezon City.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hinala niya, ang kasikatan ni Marcos ay lalamya sa sandaling magsimula ang mga public debates at sa wakas ay mapagtatanto ng mga Pilipino ang katotohanan tungkol sa kandidatura ng dating senador.

Gayunpaman, naniniwala ang dating Manila mayor na susuportahan ng mga mahihirap na mga Pilipino ang kanyang kandidato sa pagkapangulo na si Senator Manny Pacquiao para sa kanyang tatak ng sinseridad, integridad at katalinuhan bilang isang pinuno.

Tulad ng maraming tao, sinabi ni Atienza sa isang news forum sa Quezon City na siya ay parehong nagulat na si Duterte ay nagsimulang magpahayag ng seryosong pag-aalinlangan sa kandidatura ni Marcos, sinabi niya na inakala niyang susuportahan ng chief executive ang nag-iisang anak na lalaki ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos.

“Ang lumabas sa sinabi ni Duterte ay hindi magiging mabuting pangulo iyan,” sabi ni Atienza bilang isang tugon sa isang tanong ng midya.

Nang tanungin na magbigay ng kanyang impresyon kay Senator Christopher “Bong” Go, sinabi ni Atienza na naniniwala siyang isang “good man” si Go ngunit nagkamali ito sa kanyang desisyon sa paghahangad sa pagkapangulo.

“This may not be the best time for Bong Go to win an elections,” sabi ni Atienza habang pinuntong maaga pa para sa senador ang pagtakbo bilang Pangulo bilang first termer pa lang ito sa Senado.

Ben Rosario