Isa sa mga bida sa pelikulang '#Pornstar 2: Pangalawang Putok' ay ang dating sex symbol at politikong si Alma Moreno, kasama sina Ara Mina, Maui Taylor, at Rosanna Roces sa direksyon ni Darryl Yap na ipalalabas sa pamamagitan ng Vivamax.

Sa pelikulang ito, ginagampanan nila ang mismong persona nila. Isa raw sa mga eksena sa pelikula ay ang pagbanggit ni Alma tungkol sa naranasang 'pagkapahiya' sa panayam ng isang reporter na hindi naman binigyan ng pangalan.

“Hindi na ako magbabanggit, sa TV. Yung sa TV po na yung isang reporter na sumagot na ako pero talagang idinidiin, idinidiin po ako hanggang sa napahiya na ako. Hanggang sa bashers ko, sobra na. Hindi na lang po ako sumagot,” umiiyak na linya ni Alma sa pelikula.

“Hindi porke mga sexy star kami, bold star kami, huhusgahan n 'yo lahat dahil kami ho, tao lang na nasasaktan din pero may puso ho kami.”

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya

Matatandaang naging viral noong 2015 ang naging one-on-one interview ni Karen Davila kay Alma, na tumatakbong senador noon.

Ang naturang programa ay ang 'Headstart' sa ABS-CBN News Channel o ANC kung saan nagbabato ng mga pinakamahihirap na tanong si Karen upang makilatis nang husto ang kaniyang guests, lalo na at malapit na ang eleksyon ng mga panahong iyon.

Ilan sa mahahalagang isyu na tinanong ni Karen kay Alma ay tungkol sa kung pabor ba ito sa political dynasty same-sex marriage, women’s rights, at kung ano ang masasabi niya tungkol sa reproductive health law. Tinanong siya kung 'yes' ba siya rito o 'yes with reservations'.

WATCH: Super Awkward Interview Between Karen Davila and Alma Moreno - When  In Manila
Alma Moreno at Karen Davila (Screengrab mula sa YT/Headstart

"Ang hirap naman… kailangan bang sagutin 'yan?" pabirong tanong ni Alma.

"Yes, you're running for the senate," sagot naman ni Karen.

Pabirong sagot ni Alma, huwag na lamang daw hayaang magpatay ng ilaw ang kabahayan ng mga mag-asawang medyo hikahos sa buhay upang maiwasan ang paglobo ng populasyon.

Umani ng batikos si Alma mula sa mga netizen. Hindi rin siya pinalad na manalo sa eleksyon.

Samantala, sa isang Instagram post noong Nobyembre 2015 ay ipinaliwanag naman ni Karen ang kaniyang panig. Aniya, wala siyang intensyon na ipahiya si Alma at ginagawa lamang niya ang trabaho niya---ang ibato ang mga pinakamahihirap na tanong, lalo na't tatakbo si Alma sa isang mataas na posisyon sa pamahalaan. Kung tutuusin daw ay basic na lamang ang mga tinanong niya.

"If you watched the interview in full, you will see that I shifted to Tagalog, during many times. I tried to help her.

“My previous interviews were much tougher—with Senator Bongbong Marcos, for example, or Manila International Airport Authority GM Angel Honrado."

“When someone is running for higher office, they must have an understanding of issues. This is a standard we owe to the Filipino people. You will choose in the end. My job is to ask the hard questions.”

Ngunit hindi kumbinsido rito ang anak ni Alma at Dolphy na si Vandolph Quizon. Para sa kaniyang pananaw, 'below the belt' ang naging paraan ng pagtatanong ni Karen sa kaniyang ina, ayon sa naging panayam ni Dolly Anne Carvajal.

“Karen should not choose whom to respect. She should treat her guests equally. The way she interviewed my mom was different."

“Karen humiliated my mom on national TV. She kept pounding on her. She let my mom get rattled. My mom deserves to be respected because she is the chair of PCL (Philippine Councilors League), and she has been serving the country for so long. My mom is a person of action and not just words."

Samantala, nitong Nobyembre 21 ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan si Karen kasama si Lyca Gairanod dahil sa naging viral niyang reaksyon na 'Oh my God' sa kaniyang vlog. Nalaman niya kasi na pareho sila ng birthday ni Lyca, at bibihirang pagkakataon lamang iyon.