Usap-usapan ngayon ang makahulugang Facebook post ng Kapuso singer na si Aicelle Santos na may himig-politikal.

Ayon sa kaniyang Facebook post nitong Nobyembre 22, kababayad lamang daw niya ng buwis, at sana raw ay maramdaman niya ito at huwag lamang ibulsa dahil lamang sa korapsyon.

Screengrab mula sa FB/Aicelle Santos

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Kakabayad lang ulit ng tax. Haaay sana nararamdaman natin ang buwis na binabayad! Eh binubulsa lang naman nila!" matapang niyang pahayag.

Kaya paalala niya sa mga botante, sana raw ay piliin ang kandidatong hindi magnanakaw at walang kasaysayan ng pagnanakaw ang pamilya, bagama't wala naman siyang pinangalanan.

"Kaya next year PLS LANG, WAG boboto ng magnanakaw o may history sa pamilya ng magnanakaw dahil lilimasin lang nila ang natitirang lakas at pinaghihirapan ng Pilipino!"

Dahil maraming nag-react sa kaniyang Facebook post na umani ng iba't ibang mga papuri at batikos, nagbigay pa ng update si Aicelle. Aniya, in general naman ang sinabi niya at wala naman siyang pinatutungkulang kahit sino. Matagal na umanong problema sa bansa ang katiwalian. Wala pa rin siyang ineendorsong kandidato dahil hanggang ngayon ay hindi pa siya desidido kung sino ang ikakampanya niya.

"P.S. (update) Nakakatawa! Ang daming nagreact! Guys, i'm not endorsing anyone. I don't have my final candidates yet, FYI! But this has been a general personal sentiment for several years now," aniya.

Kung ayaw daw ng ilang mga netizen ang tungkol sa kaniyang post, may hamon siya sa kanila:

"Nagra-rant tayo dahil may karapatan tayong magsalita. Now if you do not like my post, you're very welcome to unfollow!"

Narito naman ang ilan sa reaksyon at komento ng mga netizen:

"Iboto mo gusto mo iboto, iboto namin gusto namin iboto, huwag ka na magpasaring, deretsahin muna kami!"

"Here in Australia, our votes matter. Nakikita sa roadwork, trains, buses and community. I hear you Miss Aicelle, hindi tulad diyan sa Pinas, may mga corrupt officials talaga. Kaya vote wisely!"

"Wrong move, Idol. Marami ma-trigger niyan. Keep safe and stay happy, Idol."

Marami ang nagulat sa matapang na FB post ni Aicelle dahil tila ngayon lamang siya nagsalita nang ganito sa social media.

May be an image of 1 person, standing and indoor
Larawan mula sa FB/Aicelle Santos

Si Aicelle Santos ay isa sa mga singers sa GMA Network na nakilala sa Pinoy Pop Superstar, at naging bahagi ng trio na 'La Diva' kasama sina Jona Viray at Maricris Garcia.