Nasa 120 na bahay ang nasunog matapos sumiklab ang apoy sa isang residential area sa G. Araneta Avenue corner Sto. Domingo Avenue Bgy. Manresa, Quezon City nitong Lunes, Nobyembre 22.

Itinaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) Public Information Office ang unang alarma dakong 1:12 ng tanghali.

Idineklarang under control ang sunog dakong 2:02 PM, ayon kay Chief Inspector Jessie James Samaniego, hepe ng Quezon City Fire Department (QCFD) administrative branch.

Naapula naman ang sunog dakong 2:30.

Eleksyon

Mga kandidatong artista, di sinusuportahan ng kapwa artista dahil pangit ang ugali, sey ni Ogie Diaz

Ayon sa BFP, nagkakahalagang P150,000 ang nasira ng apoy at nasa 330 na pamilya ang naapektuhan.

Isang lalaki ang nagtamo ng sugat at agad naman itong binigyan ng lunas.

Samantala, patuloy pa rin iniimbestigahan ng awtoridad ang sanhi ng sunog na nagmula sa ikalawang palapag ng isang residential building.

Aaron Dioquino