SADANGA, Mt. Province – Kalaboso ngayon ang 12 turista matapos mahulihan na ibinibiyahe ang mga marijuana bricks sa isinagawang interdiction checkpoint ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera (PDEA) saSitio Ampawilen, Sadanga, Mountain Province noong Linggo, Nobyembre 21.

Kinilala ni PDEA Regional Director Gil Castro ang mga nadakip na sina Micheal Angelo Marquez Navarro, 29, residente ng Porciuncula St. Bocauae, Bulacan; Julius Cyrel Firwanes Balonso, 19, residente ng Brgy. 178 Camarin, Caloocan City; Jolin Christian Firwanes Balonso, 23, residente ng Brgy. Camarin, Caloocan City; Lyka Joy Oprin, 26, residente ng Thunderbird Subdivision Camarin, Caloocan City.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Renz Manuel Britana Periera, 24, ng Barangay Darangan, Binangonan, Rizal; Reina Presa Perez,33, ng Summer Green Subdivision, Cainta Rizal; Albert Tuquero Lopez, 29, ng Brgy. Gulod, Novaliches Quezon City; Robin Mar Hernandez Sarmiento, 40,driver, ng Norjagaray, Bulacan; Pearl Raiz Tanedo, 23, ng Baculong Victoria, Tarlac City; Ellamae Jose Domingo, 22, ng Victoria, Tarlac City; Charwin Jaro Santiago, 36,ng San Juan Cainta Rizal at Kennedy Aclao Mensah,18, ng Tuktukan Guirimilo, Bulacan.

Ayon kay Castro, nakatanggap ng impormasyon ang kanyang mga tauhan sa pangunguna nina Intelligence Officer 1 Ame Joy Angyoda, Jayjay Balut at Police Corporal Joseph Camareg, na may mga local tourist mula sa bayan ng Tinglayan, Kalinga, papadaan ng Mountain Province patungong siyudad ng Baguio ang may dala-dalang marijuana.

Isinagawa ang checkpoint sa lugar at dakong alas 2:00 ng hapon ay hinarang ang isang putting Grandia GL Van na lulan ng mga suspek.

Nakuha sa loob ng sasakyan ang 8 piraso ng dried marijuana bricks at stalks with fruiting tops na may timbang na 8.2 kilograms at may Standard Drug Price na P940,000.00.

Ang onsite inventory ay sinaksihan mismo ni Sadanga Mayor Gabino Ganggangan, Brgy. Kagawad Pascual Pagcaan at Dawing Chopchopen ng Barangay Poblacion; Novy Afidchao, ng Mountain Province-PIO, Media representative at Prosecutor Godaliva Calaowa Golda.

ZaldyComanda