Matapos mag-trending ang “PROTECT SHANAIA GOMEZ” at “FORCE EVICT TJ” sa Twitter nitong Sabado, Nob. 20, nakuha ng netizens ang atensyon maging ng kinatawan ng kababaihan sa Kongreso, ang Gabriela Women’s Party.

Sa mga kumakalat na larawan at video sa social media galing sa PBB Kumunity Season 10, ilang netizens ang nagpahayag ng pagkabahala at pagkaalarma sa umano’y mga unsolicited physical contact ni TJ Valderrama, 35, sa kapwa housemate na si Shanaia Gomez, 19.

“Nahirapan ako panoorin yung vid, may pagkatouchy talaga yan si Tj kahit kay Alexa kumikiss yan bigla tas humawak sa legs,” sabi ng isang Twitter account na may pangalang Alexa Supremacy.

“This is no longer a friendly touch. This..ladies and gensts..is harassment. PBB should issue a final warning or force evict TJ,” ani ng isa pang Twitter user kalakip ang mga screengrab ng umano’y pagiging madikit ni TJ sa kapwa housemate.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Sa isa pang tweet, ibinahagi ng ia pang Twitter account ang isang video kung saan sinabi ni Shanaia na hindi ito sanay na may kasamang lalaki.

“See Shanaia really said that she isn’t used [to] living with boys, so how much more with that person’s strange and creepy advances?” giit nito.

Hindi rin nakalampas sa netizens ang management ng programa na ipinanawagang ‘wag kunsintihin ang umano’y hindi tamang kilos ni TJ sa loob ng bahay.

“Maybe @PBBabscbn is enjoying it for ratings. Si Brenda nga nung kay E, pinag-sorry when in fact, it counts as verbal sexual abuse,” sabi ng nagngangalang Rayban sa Twitter at tinutukoy ang naunang viral incident kung saan ilang netizens din ang naalarma kay Brenda kaugnay ng hindi komportableng usapan nito kay Eian Rances.

Matapos mag-trend ang mga topic sa Twitter, agad namang naglabas ng pahayag ang Gabriela Women’s Party.

“A reminder that unsolicited touching and physical contact, even in the context of friendship or even relationship, can be a form of sexual harassment. Maaring hindi agad napapansin subalit karaniwang hindi komportable ang biktima sa ganitong mga sitwasyon, at maari pang magdulot ng trauma.

“Nawa’y maging positibong venue ang PBB para matalakay ang mahalagang usapin na ito hinggil sa Safe Spaces, lalo’t bahagi ito ng paggunita natin sa darating na International Day for the Elimination of Violence Against Women (IDEVAW) sa Nobyembre 25.”

Wala pang pahayag ang programang PBB o ang management nito sa pag-uulat.