KABUL, Afghanistan – Habang ipinagdiriwang ang World Children’s Day nitong Sabado sa maraming bansa sa buong mundo para isulong ang mga karapatan ng mga bata sa edukasyon, kalusugan at kaligayahan, maraming bata sa Afghanistan na apektado ng digmaan ang kailangang magtrabaho sa kalye para tulungan ang kanilang pamilya para mabuhay.

“I used to go to school, but nowadays do not go, because the war and poverty have sandwiched us, and in order to survive, my father bought me a cow to graze and to sell its milk to earn money and support the family,” sabi ng 14 taong-gulang na si Malik sa isang midya nitong Sabado.

Pagpapahayag ng kanyang kalungkutan sa pag-alis ng paaralan sa loob ng talong taon, sinabi ni Malik na ang kanyang ama ay walang trabaho at siya, bilang panganay na anak, ay kailangang magtrabaho upang kumita ng ikabubuhay nila.

Maliban sa pagpapastol ng baka, nagtitinda rin si Malik at nagdadala ng mga bagay para sa mga customer sa kalye upang kumita ng pera.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Aniya pa, digmaan ang pangunahing dahilan ng kaniyang kahirapan at lahat ay nawasak sa digmaan sa nakalipas na apat na dekada.

Si Aminullah Popalzai, isang mag-aaral sa ikalimang baitang sa elementarya, ay nag-aalala rin sa kanyang pag-aaral dahil kailangan niyang magtrabaho pagkauwi ng paaralan.

"My aged father doesn’t have a job and income, and that is why I have to work to support my family,”sabi niya.

Ikinababahala din niyang isang araw ay aabandonahin niya ang paaralan kapag lumala pa ang sitwasyon ng kanilang pamilya.

“Our children need education, and I am requesting the international community to support the children of Afghanistan to go to school,”suhestyon ng isang residente sa Kabul na si Aziz.

Ayon kay Aziz, maraming mga batang Afghan ang walang breadwinner sa pamilya kaya kailangan nilang pumasok sa paaralan ng kalahating araw at magtrabaho sa natitirang kalahating araw upang kumita ng ikabubuhay para sa kanilang mga pamilya.

Ngayon, higit sa 22 milyong Afghans, kabilang ang milyon-milyong mga bata, ang nahaharap sa matinding kakulangan sa pagkain ayon sa UN. Nagbabala sila na ang anumang pagkakaantala sa pagbibigay ng humanitarian assistance sa mga bansang nasalanta ng digmaan ay maaaring magdulot ng mas malalang sakuna sa darating na taglamig.

Xinhua