Inilunsad ng Taguig City government ang "Libreng Sakay at Sundo” program para sa mga mamamayan nitong may mga problema sa kalusugan o medical conditions.
Ayon sa lokal na pamahalaan, magkakaloob sila ng serbisyong transportasyon upang handa ito sa pagdadala at pagsagot sa panawagan ng mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis, chemotherapy o radiotherapy, senior citizens, mga buntis at Person with Disabilities (PWDs) na nangangailangan ng isang check-up at iba pang pangangailangan nila para sa kanilang medical treatment.
Maaaring makakuha ng free ride sa pamamagitan ng pagte-text sa 0961-7340834 dalawang araw bago ang kanilang iskedyul na check up o medical sessions.
Bella Gamotea