Dose-dosenang mga sasakyang pandagat ng China ang pabalik-balik kamakailan sa katubigan malapit sa Pagasa Island sa West Philippines Sea (WPS), inulat ng isang commander ng military nitong Linggo, Nob. 12.

Sinabi ni Vice Admiral Ramil Roberto Enriquez, commander ng Western Command (WesCom) sa Palawan, na hindi bababa sa 26 maritime militia vessels at isang coast guard ship mula China ang namataan malapit sa Pagasa Island noong Sabado nang pumunta doon si presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson. Malapit lang ang mga barko kaya kitang-kita ni Lacson at ng kanyang pangkat ang mga ito.

“’Iyon nga ang nangyayari sa Pagasa, mayroon talaga silang mga ganoon na tandem pero sa ibang lugar naman ay mga militia vessels,” sabi ni Enriquez sa isang panayam sa DZBB.

Nitong mga nakaraang taon, nagsagawa ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) ng maritime patrol operations sa paligid ng Pagasa Island para itaboy ang mga pumapasok na dayuhang sasakyang pandagat at bigyang-daan ang mga mangingisdang Pilipino na tamasain ang mayamang biodiversity sa isla.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ngunit nagbago na ang sitwasyon mula noon, ngayon, ang mga sasakyang pandagat ng China ay pumuwesto na malapit sa Pagasa Island, bagama’t hindi pa rin nawawala ang pagasa dahil wala pang ulat ng harassment laban sa mga mangingisdang Pilipino.

Aniya, sa kasagsagan nito, umabot sa 45 ang bilang ng mga Chinese vessles malapit sa isla.

“Kumonti kahapon, medyo naglalaro sa ganyang mga figures, minsan trenta, minsan bente pero hindi talaga nawawalan ng militia vessels malapit sa Pagasa Island,” pagbubunyag ng opsiyal ng military.

Ang isla ay bahagi ng Kalayaan Island Group (Spratly Islands) at matatagpuan mga 230 nautical miles mula sa Palawan. Isang maliit na pamayanang Pilipino ang naninirahan sa isla, humigit-kimulang 400 indibidwal, habang ang ilang mga tauhan ng military ay nakatalaga rin doon.

Maliban ditto, may mga sasakyang pandagat din na binabantayan sa ibang bahagi ng WPS kabilang ang malapit sa Julian Felipe (Whitsun) Reef at Recto (Reed) Bank.

Ang pagtaas ng presensya ng mga barko ng China malapit sa Pagasa ay kasunod ng pagharang at pagpapasabog ng water cannon ng tatlong barko ng China Coast Guard (CCG) sa dalawang supply boat ng Pilipinas noong nakaraang linggo.

Ang mga bangka ay patungo sa Ayungin (Second Thomas) Shoal at magdadala sana ng mga suplay sa mga nakatalagang tropa nang sila ay ma-harass ng mga CCG vessels na nagdulot ng panibagong tensyon sa pinagtatalunang karagatan.

Kinundena ng DFA ang insidente at naghain ng diplomatikong protesta laban sa China ngunit sinabi ng Chinese foreign ministry na “nalusutan" ng mga supply boat ang kanilang mga katubigan.

“They are the ones violating our sovereign rights within our EEZ [exclusive economic zone],” sabi ni Esperon nitong Linggo bilang reaskyon sa tugon ng China.

Ang EEZ na sumasaklaw sa 200 nautical miles ng lugar mula sa mainland ng Pilipinas, ay ipinagkaloob sa bansa ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Ang UNCLOS ay niratipikahan ng mahigit 150 bansa kabilang ng bansang China.

“Therefore, they have no right to impede, prevent or harass our ships within our EEZ whether we are fishing or bringing supplies to our detachment in the Sierra Madre [on] Ayungin Shoal,”ani Esperon.

Martin Sadongdong