Kamakailan lamang, binigyang pansin ni 'Big Brother' o 'Kuya' ang usaping mental na kalusugan ng housemates partikular na ang 'Smartista Unica Hija Ng Pasig' na si Alexa Ilacad.

Ibinahagi nito ang mabigat na insecurities niya sa kanyang sarili lalo na sa kanyang pangangatawan.

“All my life lalo na growing up in the industry, all I've been hearing is ang taba mo, magpapayat ka … wala kang project kasi mataba ka," bulgarang ibinahagi ni Alexa at ikinuwento na mabigat ang pressure sa industriya ng entertainment

"That stuck in my head forever. Kahit si Justin Bieber pa magsabi sakin na ang ganda-ganda ko o ang ganda ng katawan ko hindi ko siya kayang paniwalaan,” dagdag pa niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pagbabahagi ni Alexa, dumating na siya sa punto na hindi kumakain ng apat na araw. Aniya, iba ang nagiging pagtingin niya sa kanyang sarili at hindi niya nagugustuhan ang imahe na lumalabas sa tuwing siya ay nananalamin.

Dagdag pa niya, wala siyang mapag-kwentuhan ng kanyang sitwasyon.

"Nandito na ako sa industriya, higit pa sa kalahati ng buhay ko. Simula pagkabata, hindi naman ako naging payat. Iba talaga ang body type ko sa ibang mga babae dahil doon, hindi ko gusto ang sarili ko," ani Alexa

"Sinubukan ko na lahat ng klase ng diet. Kuya, sa totoo lang parang ang babaw at pakiramdam ko ang ipokrita ko na nararamdaman ko 'to at ayokong sinasabi sa mga tao na ganito ang nararamdaman ko," dagdag pa nito.

At upang tulungan si Alexa, humingi ng propesyonal na tulong si Kuya sa isang resident psychologist-psychiatrist na si Dr. Randy Dellosa, upang talakayin ang kalagayan ng dalaga.

Ayon kay Dr. Dellosa, ang kalagayan ni Alexa ay isang 'BDD' o body dysmorphic disorder — isang elevated feeling of insecurity sa sariling kaanyuan.

Kung ikukumpara sa normal na insecurity, ayon kay Dr. Dellosa, ang mas mabigat nararamdaman ng mga may BDD dahil sa insecurity nila natutuon ang kanilang atensyon.

Binigyang-diin rin ng eksperto na mabigat ang pressure kay Alexa dahil siya ay nasa industriya ng tanghalan na kung saan ay nagiging puhunan ang pisikal na kaanyuan at ganda ng pangangatawan.

Kaya naman payo ni Dr. Dellosa, importante na pakinggan ng mga housemates ang mga rants ni Alexa nang hindi hinuhusgahan ang dalaga.