Babayaran ng Department of Agriculture DA)-Region 10 (DA-10) ang nag-aalaga ng baboy na naapektuhan ng paglaganap ng African Swine Fever (ASF) sa Mindanao.
Ito ang tiniyak ni DA-Region 10 director Jules Maquiling at sinabing aabot sa ₱9,100,000 ang ilalabas nilang pondo upang maibigay na sa mga ito.
Karamihan aniya sa mga nasabing magbababoy ay nasa Cagayan de Oro City at iba pang bahagi ng Misamis Oriental kung saan kinatay matapos tamaan ng nasabing ASF.
Isasagawa aniya ang pagbabayad ng pinsala sa 571 na magbababoy simula Nobyembre 23-25.
PNA