DAGUPAN CITY- Sa 48 na local government units sa Pangasinan, sampung lugar na ang may zero active case ng coronavirus disease (COVID-19) simula Nob. 18.
Kinilala ng Provincial Health Office (PHO) ang mga lugar na ito bilang mga bayan ng Agno, Alaminos City, Alcala, Anda, Infanta, Mabini, Sto. Tomas at Urbiztondo batay sa tala ng kanilang COVID-19 daily monitoring bulletin.
Batay sa ulat, nakapagtaya ng tig-iisang aktibong kaso ang mga munisipalidad ng Binalonan, Burgos, Natividad, San Manuel at Sual.
Ang iba pang natitirang LGU ay nakapag-ult ng dalawa hanggang 12 aktibong kaso.
Samantala, nakapagtala naman ang Pangasinan ng 35 bagong nakaligtas sa COVID-29, kaya umabot na sa 33,956 ang kabuuang bilang ng mga naka-recover.
Kahapon, nakapagtala ang lalawigan ng walong bagong kaso na may 182 aktibong kaso kaya’t umabot na sa 35,334 ang kabuuang impeksyon sa lugar.
Gayunpaman, ang kabuuang bilang ng mga natamay ay umakyat sa 1,196, na may isang bagong nasawi na nadagdag sa tally.
Bukod dito, sa mas improved na sitwasyon ng COVID-19 at ang pagsasailalim sa lalawigan ng Alert Level 2, tinanggal ni Gov. Amado Espino III noong Huwebes, sa pamamagitan ng Executive Order (EO) No. 0178 ang Safe, Swift, Smart Passage (S-PaSS) permit bilang travel requirement sa pagpasok ng Pangasinan.
“The local government unit (LGU) of destination may, however, impose reasonable restrictions upon travelers originating from areas of higher quarantine classifications,” sabi ni Espino.
Sinabi ni Espino na maaaring kailanganin pa rin ng mga biyahero na sumailalim sa health and exposure screening sa mga border control checkpoints. Kinakailangan din ang pagpapakita ng vaild identification (ID) card.
“Those coming from areas under granular lockdown, Alert Level 5, enhanced community quarantine, and modified enhanced community quarantine shall be prevented from entry to Pangasinan, except for authorized persons outside of residence (APORs) carrying valid authority to travel and/or travel order,” sabi ng provincial chief executive.
Jake James Pasilao