Sinibak sa puwesto ang isang opisyal ng Regional Mobile Force Battalion ng Police Regional Office (PRO) 5 (Bicol) matapos umanong saksakin ng basag na baso ang mata ng isang tauhang pulis na naka-inuman sa loob ng kanilang kampo sa Legazpi City sa Albay kamakailan.

Kaagad inilipat saAdministrative and Resource Management Division-Personnel Holding and Accounting Section sa Pasay City headquarters si Regional Aviation 5 commanderCol. Dulnoan Dinamling Jr.batay na rin sa kautusan ngPhilippine National Police (PNP) Aviation Security Group (Avsegroup) nitong Nobyembre 15.

Kaagad namang inirekomenda ni PRO-5 Director, Gen. Jonnel Estomo, ang pagsasampa ng kasong administratibo laban kay Dinamling matapos saksakin ng basag na bote ang kaliwang mata ni Sgt. Ricky Brabante habang sila ay nag-iinuman sa loob ngCamp Simeon Ola sa Legazpi City, nitong Nobyembre 12.

"We maintain the integrity of the investigation giving equal rights to both parties involved. Rank may have its privileges but it can never justify abuse of power and drunken misconduct. Col. Dinamling will have to face the consequences of his actions," pahayag ni Estimo.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Kaagad namang bumuo si PNP chief Gen. Dionardo Carlos ngSpecial Investigation Task Group upang imbestigahan ang kaso.

"We do not condone any act of violence within the organization as much as we uphold the right of everyaccuse(d) for due process," paliwanag pa ni Carlos.

PNA