Muling iginiit ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang suporta sa national at local candidates na sumailalim sa drug test upang maging magandang halimbawa sa publiko.

Kasabay nito, sinabi ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na inatasan na niya ang PNP Drug Enforcement Group na tingnan ang impormasyong ibinunyag ni Pangulong Duterte tungkol sa isang pambansang kandidato na umano’y gumagamit ng cocaine.

Binigyang-diin niya na ang anumang pagbubunyag ng Pangulo, bilang kanilang Commander-in-Chief ay nag-uudyok ng imbestigasyon.

“If there are relevant information, definitely we will conduct an investigation. As of this time, we are trying to get additional information on that matter,”sabi ni Carlos.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Iginiit niya na ang aksyon ng pulisya sa isiniwalat ng Pangulo ay babatay pa rin sa kasapatan ng mga ebidensya.

“A person with a history of drug use may be arrested if there is an outstanding warrant of arrest in connection with the drug offense,”sabi ni Carlos.

Nauna nang sinuportahan ng PNP ang mga panawagan sa mga kandidato na sumailalim sa drug test upang matiyak na wala ni isa sa kanila ang lulong sa ilegal na droga.

“Although the PNP acknowledges that no law mandates the candidate to undergo a drug test, but doing so will set an example to their fellow countrymen by proving that they aren’t users of illegal drugs,”sabi ni Carlos.

Aaron Recuenco