Magsisimula sa Lunes, Nob. 22, ang pagpapatupad ng Alert Level System sa buong bansa, kung saan una nang naisakatuparan sa Metro Manila upang pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19), pagkukumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III.

“Simula sa Lunes, buong bansa naka-alert level system,” ani Densing sa isang panayam sa GMA News nitong Sabado, Nob. 20.

Nauna rito, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang national implementation ng Alert Level System na may granular lockdown sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 upang makontrol ang paggalaw ng mga tao sa gitna ng pandemya.

Sa Executive Order 151, unti-unting ipatutupad ang bagong Alert Level System sa Metro Manila, Regions 3, 4-A, 6, 7, 10 and 11 sa Regions 2, 8 at 12 para sa Phase 2; Regions 2, 5 at 9 sa Phase 3; at Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 4-B at 13 at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa Phase 4.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa ilalim ng mga patakaran ng ITAF, ang mga Alert Level system ay ipapataw sa buong lungsod at munisipalidad na naghihigpit sa paggalaw upang maiwasan ang COVID-19 surge.

Ang bawat lungsod o munisipalidad ay uuriin mula sa Alert Level 1 hanggang Alert Level 5 kung saan ang Department of Health (DOH) ang magpapasya kung anong alert level ang dapat na nasa ilalim ng isang partikular na lugar.

Sinabi niya ang National Capital Region (NCR) ang tanging rehiyon sa bansa na maaaring maging kwalipikado sa alert level 1 donwgrading sa susunod na buwan.

Nauna rito, sinabi ng DOH na ibabatay sa metrics ang paglalagay ng NCR sa alert level 1.

Bilang tugon, sinabi ni Densing na ito ay isang natatanging posibilidad dahil nakuha ng Metro Manila ang minimum requirement na kinakailangan sa 70 percent ng mga senior citizen at mga taong may comorbidity na populasyon at isa pang 70 percent ng populasyon ng nasa hustong gulang.

Chito Chavez