Tinatawag ito ng ilan bilang street art, ang iba ay graffiti, ngunit sa alinmang paraan, ang mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo ay bumaling sa pagpipinta ng mga mural upang ipaabot sa kanya na kasama niya sila sa kanyang laban para sa pagkapangulo.

Ipininta ng artist na si Dyza Cabagnot ang imahe ni Robredo na naglalarawan sa kanya bilang “Babaylan” sa isang mahabang blangkong pader sa harap ng isang bahay sa Maribojoc, Bohol.

Ang mural na tinawag na “Leni The Babaylan,” ay ipininta kasama ng iba pang Babaylan na kababaihan sa tulong ng iba’t ibang Robredo volunteers at supporters sa lalawigan.

Sa isang Facebook post, ipinaliwanag ni Cabagnot na ang kanyang likhang sining ay tungkol sa kababaihang Babaylan, na noong pre-colonial times ay nagsilbing “intermediaries between spiritual and material worlds in their communities”.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Their leadership roles are multi-fold: warrior, healer, priestess and sage,” sabi niya habang idinagdag na ang mga Babaylan ay nakikinig din sa mga komunidad at namumuno sa pamamagitan ng marubdubing pag-unawa sa iba’t ibang magkakaugnay na porma ng buhay.

“To this day, many Babaylans remain politically active in advocacy, activism and working for justice in their communities,” pagbabanggit niya.

Binisita ni Vice President Leni Robredo ang solidarity mural na “Kurit nin Paglaom” sa Libmanan, Camarines Sur noong Oktibre 31, 2021. (OVP)

Simula noong inanunsyo ni Robredo ang kanyang presidential bid noong nakaraang buwan, maraming larawan ang kumalat sa social media na nagpapakita sa kanyang mga volunteers na nagpinta ng mga tahanan, poste ng kuryente at mga business establishment sa buong bansana kulay pink, ang kulay ng kanyang kampanya.

Bukod sa mga ito, ang mga mural ng aspiring president sa harapan o ilang mga pader ng ilang lugar sa bansa ay sumibol na parang kabute.

Sa Camarines Sur, ang Artists4Leni, kasama ang iba pang lokal na mga artista, bumuo ng isang mural sa Poblacion, bayan sa Libmanan bilang pagsuporta sa kandidatura ni Rorbedo.

Ang likhang sining na tinaguriang “Kurit nin Paglaom,” ay tampok ang imahe at pangalan ng Bise Presidente na kulay pink na may background ng isang lalaking may dalang bata habang sumisikat ang araw.

Hinimok ni Cabagnot ang mga botante na pumili ng isang lider na naglalaman ng diwa ng Babaylan at isang taong nagpapatunay ng kanyang kakayahan, sinseridad at pangako sa mga Pilipino.

“Kung Babaylan ang lider natin dati, Babae lamang din ang ating dapat gawing presidente sa 2022. Maria Leonor Gerona-Robredo — our bise-presidente, and our Busy-Presidente,” aniya pa.

Raymund Antonio