Agad na humingi ng dispensa si senatorial aspirant at dating Quezon City mayor Herbert Bautista kay Queen of All Media Kris Aquino, dahil sa nagawa niyang cryptic tweet, na pinag-usapan naman ng mga netizens.

""Mr. President Ping @iampinglacson, na-inspire din tuloy akong mag-propose. Kaso, sayang… may napili na po sya. #TOTGA #KungMaibabalikKoLang" ayon sa tweet ni Bistek, para kay presidential aspirant Panfilo Lacson, na burado na ngayon.

Dahil dito, kinompronta siya ng fiance ni Kris na si dating DILG Secretary Mel Sarmiento.

"Although Mayor Herbert Bautista has already taken down his post which obviously referred to Kris, I just wish that this would serve as a reminder that talking about past flames in public is improper and ungentlemanlike," saad ni Mel.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Hindi po showbiz ang Senado. People would appreciate it more if he would talk about his credentials to woo our people’s votes."

"Mas magandang accomplishments niya bilang public servant ang ilahad niya sa publiko sa halip na ang mga nakalipas niyang karelasyon."

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/20/banat-ni-mel-kay-herbert-improper-at-ungentlemanlike-ang-tweet-hindi-po-showbiz-ang-senado/">https://balita.net.ph/2021/11/20/banat-ni-mel-kay-herbert-improper-at-ungentlemanlike-ang-tweet-hindi-po-showbiz-ang-senado/

Pagkatapos nito, si Kris naman ang naglabas ng pahayag sa kaniyang Instagram account.

"Ours isn’t a perfect relationship, but Mel & I really had a great matchmaker na I’m sure is smiling right now in heaven saying- 'Si Mel lang pala ang kinailangan para matuto si bunso kung kailan dapat tumahimik…"

"To the man Mel confronted, mahaba ang pinagsamahan natin. Sana wag mo na lang baguhin pa ang kwento?"

"I totally agree with what he said especially because sa survey na nakita ko, within striking distance ka na sa Magic 12- so there’s no need to use our past to gain attention."

"Trust in yourself, that your track record is more than enough to get you elected and have enough faith in the wisdom of the Filipino voters."

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/20/kris-bumwelta-kay-herbert-please-talk-about-your-present-not-your-past/

Narito naman ang apology ni Bistek para kay Kris:

"It was certainly inappropriate and a mistake."

“My profuse apologies to Kris.”

"Alam kong maaalagaan ka n'ya, and I can see that you're happier now. Aminado ako, I know I have not been good enough."

Bago pa man pumasok sa eksena si Mel, matagal nang magkaibigan sina Herbert at Kris at minsan na rin silang naiugnay sa isa't isa ng mga Marites, bagama't hindi naman ito nauwi sa kung anomang 'romantic relationship'.