CALAPAN CITY, Oriental Mindoro -- Ininspekyon ni Pangulong Duterte nitong Huwebes ang pinakamalaking port passenger terminal building (PTB) sa bansa na kayang mag-accommodate ng 3,500 na pasahero.
Kasama ng presidente sa pagpasok sa port area sina Department of Transportation Secretary Art Tugade, PPA General Manager J. Daniel Santiago, at iba pang top transportation officials para sa inagurasyon ng pito pang seaport development projects sa Mindoro Island.
Sinabi ni Secretary Tugade na malalampasan nito ang 3,000 passenger-capacity ng PTB sa Cagayan de oro City ngunit binigyang-diin niya na panandalian lamang ang record ng Calapan dahil inanunsyo rin niya na magtatayo sila ng 4,000 passenger-capacity ng parehong gusali sa Zamboanga port sa susunod na taon.
Sinabi ni PPA Manager Santiago, sa kanyang project briefing, na ang mga seaport project ay tiyak na makatutulong sa pag-unlad ng Oriental at Occidental Mindoro na maaaring tangkilikin ang mga state-of-the-art port facilities na idinesenyo upang gawin na mas maikling oras ang paglalakbay sa interisland.
Bukod sa dalawang ports, pinasinayaan din ni Duterte ang mga port sa Puerto Galera, Bansud, Roxas, Mansalay, at Bulalacao.
Ayon kay Tugade, walo sa bagong proyekto ay bahagi ng 484 port projects na natapos ng DOTr at PPA mula noong Hulyo 2016.
Ininspeksyon din ni Duterte at Sen. Bong Go ang P130 million youth center project sa Bgy. Sta. Isabel na pinondohan ng Office of the President sa pamamagitan ni Go.
Inaasahan na matatapos ang modern youth center sa Marso sa susunod na taon. Mayroon itong pasilidad kagaya ng sports arena, dormitory, training center, worldclass basketball and volleyball courts na maaaring gawin bilang concert venue, grand ballroom at IT library.