Nakapagtala ang Department of Health ng 1,474 na bagong kaso ng COVID-19  ngayong Sabado, Nobyembre 20.

Umabot na sa 2,824,499 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa simula noong nakaraang taon.

Pumalo naman sa 22,070 ang aktibong kaso o 0.8% ng overall case count.

Sa aktibong kaso, 58.1% ang mild, 4.1% ang asymptomatic, 5/2% ang kritikal, 12.5% ang severe, at 20.2% ang moderate.

Probinsya

Philippine Army, nagbigay-pugay sa opisyal na nagbuwis ng buhay sa MV Trisha Kerstin 3

Samantala, naitala rin ang 2,565 na bagong gumaling habang 205 naman ang namatay sa sakit sanhi upang umabot sa 2,755,526 ang recovery count at 46,903 ang death toll.

Analou de Vera