Mahigit 6,000 healthcare workers sa buong bansa ang nakatanggap na ng kanilang coronavirus disease (COVID-19) vaccine booster shots.

“As of Nov. 18, naka 6,457 tayo sa buong,” sabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotajesa isang panayam sa DZBB nitong Sabado, Nob. 20.

Sinabi ni Cabotaje na mahigit 2,800 healthcare workers sa Metro Manila ang nakatanggap na ng kanilang mga booster shot.

Aniya pa, kumukuha pa sila ng datos mula sa ibang rehiyon.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Samantala, binigyang-diin ni Cabotaje ang kahalagahan ng pagkuna ng booster shot.

“You need a booster kasi bumababa na yung mga immunity at kailangan pasiglahin na uli, you need to boost it para mas malakas yung panglaban ng katawan sa mga darating na sakit,” giit niya.

Sa naganap na Laging Handa press briefing, sinabi ni DOH Undersecreatry Maria Rosario Vergeire na malapit na nilang ilabas ang booster shot guidelines para sa mga senior citizen at immunocompromised na indibidwal.

“Itong ating guidelines for senior citizens and immunocompromised individuals …ating lang pong fina-finalize,” ani Vergeire.

“We will be issuing guidelines in the coming days for the information of the public,”dagdag niya.

Analou de Vera