TABUK CITY, Kalinga - Mahigit pa sa₱10 milyong halaga ng tanim na marijuana ang sinunog ng mga awtoridad sa kabundukan ngTinglayan ng nasabing lalawigan sa tatlong araw na operasyon laban sa iligal na droga.
Sinabi ni Kalinga Provincial Police Director Col. Davy Limmong, ang magkakasunod na operasyon na tinawag na Oplan Pangkulin at Oplan Manfangu ay isinagawa ngKalinga Provincial Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEAD)-Cordillera nitong Nobyembre 15-17.
Sa unang operasyon sa sa Barangay Loccong, Tinglayan ay mahigit sa 20,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng₱4 milyon ay pinagbubunot sa 2,000 metro kuwadradong lupain at sa ikalawang operasyon ay binunot naman ang aabot sa 625 piraso ng marijuana plants na nagkakahalaga ng₱25,000.00.
Nadiskubre naman aniya sa Sitio Balay, Brgy. Tulgao West ang may 50 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na aabot sa₱6,000,000.00.
Kaagad na sinunog ang nasabing iligal na droga upang hindi na mapakinabangan, pagdidiin pa ni Limmong.
Zaldy Comanda