Aabot sa 200 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱1,360,000 ang nakumpiska sa isang umano'y big-time drug pusher sa Makati City nitong Nobyembre 19.

Inanunsyo ni Southern Police District chief, Brig. General Jimili Macaraeg ang matagumpay na anti-illegal drug operation na nagresulta sa pagkakadakip ni Ronilo Andaya, alyas Ronnie, 53, at taga-Makati City.

Sa ulat ng Makati City Police, dakong 6:07 ng gabi ng Biyernes nang dakpin ng mga pulis si Andaya sa ikinasang buy-bust operation sa103-D 6th Ave., Barangay East Rembo.

Bukod sa iligal na droga, nakumpiska rin sa kanya ang marked money, drug paraphernalias at identification (ID) cards.

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa ComprehensiveDangerous Drugs Act of 2002.

Bella Gamotea