Nakapagtala ng 5.4-magnitude na lindol ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa baybayin ng Davao Oriental nitong Sabado ng umaga, Nobyembre 20.
Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol bandang 4:13 ng madaling araw.
Naitala ang epicenter sa layong 118 kilometro timog silangan ng Tarragona, Davao Oriental na may lalim na 39 kilometro.
Bago ang 5.4-magnitude na lindol, nakapagtala rin ang Phivolcs ng 5.2-magnitude sa baybayin ng Davao Oriental dakong 4:08 ng umaga.
Naitala ang epicenter nito sa layong 83 km ng timog silangan ng Tarragona, Davao Oriental at may lalim lamang na 1km.
Walang naiulat na intensity sa naturang lindol.
Sinabi rin ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.