DAVAO CITY—Habang hindi pa naglalabas ng pahayag ang kampo ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa mga kasong sex trafficking sa kanya ng US Department of Justice, isang lokal na kandidato ang nanawagan sa gobyerno ng Pilipinas na “maglunsad ng sariling imbestigasyon” sa isyu.

“The Philippine government should initiate its own investigation to ascertain if our own laws on human trafficking and violence against women and children were broken,” sabi ni Maria Victoria Maglana na tumatakbo para sa unang distrito ng congressional seat ng lungsod, sa isang pahayag nitong Biyernes, Nob. 19.

“Legislators may want to inquire on the status of implementation of RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act) and RA 7877 (Anti-Sexual Harassment Act), among others, to ensure that these laws are applied regardless of who is involved,” giit ni Maglana.

Ang founding leader ng Kingdom of Jesus Christ at matalik na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi pa naglalabas ng pahayag ukol sa usapin.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Sa isang video na ipinost sa kanyang Youtube channel nitong Biyernes, Nob. 19, pinasalamatan ni Quiboloy ang Gawad Amerika sa pagkilala sa kanilang pagsisikap. Ang event ay gaganapin sa Nob. 20 sa Celebrity International Hollywood sa California.

“Thank you for recognizing our humanitarian efforts to help our kababayan, wherever they are, especially here in the Philippines. We are just doing our duties, our responsibilities out of the love of our hearts,” sabi niya.

Zea Capistano