Nasa 3,700 na healthworkers sa Las Piñas City ang makatatanggap ng COVID-19 booster shots  para sa isinasagawang vaccination roll out ng lokal na pamahalaan nitong Sabado at Linggo, Nobyembre 20 at 21.

Inihayag ni Mayor Imelda "Mel" Aguilar batay sa talaan ng City Health Office (CHO), ang 3,700 health workers na kabilang sa A1 category ay nakaiskedyul na makatanggap ng kanilang booster shots ngayong weekends at tanging ang mga nakatanggap lamang ng 2nd dose sa loob ng anim na buwan ang siyang matuturukan nito.

Binigyang-diin pa ni Mayor Aguilar na ang vaccination roll out para sa health workers ay isasagawa sa mga ospital at malls sa lungsod na unang inaprubahan ng Department of Health (DOH).

Ang gagamiting booster shots sa Las Piñas City ay ang Pfizer at Moderna vaccines.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matapos aprubahan ng  DOH at ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang roll out ng booster shots, agad na inutos ni Mayor Aguilar sa CHO na agad simulan ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccines sa mga  fully vaccinated o bakunadong health workers sa lungsod. 

Samantala, noong Nobyembre 18, nakipagpulong si Vice Mayor April Aguilar kina CHO Officer-in-Charge Dr. Juliana Gonzales at Immunization Program Coordinator Dr. Eleen Gumpal para alamin ang updates sa vaccination roll out ng mga taga Las Piñas. 

Inalerto rin ng bise alkalde ang CHO na laging maghanda sa lahat ng oras habang naghihintay sa mga inisyung guidelines mula sa DOH ukol sabakunahan ng senior citizens na nasa A2 category maging sa A3 category (adult with comorbidities). 

Bukod rito, inatasan din ni Vice Mayor April Aguilar ang vaccination team  na doblehin pa ang kanilang ipinamamalas na pagtatrabaho upang mahikayat ang mga Las Piñeros na importante na maging isang bakunado o fully vaccinated laban sa nakamamatay na virus. 

Bella Gamotea