Nakatanggap ng P4,000 cash assistance ang 1,500 beneficiaries ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD) para sa kanilang community service sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Antipolo City local government.

Sa isang Facebook post, sinabi ng local government na ang cash assistance ay ibinigay sa mga residenteng nagtatrabaho sa vaccination sites o naglilingkod bilang street sweepers sa loob ng 10 araw.

“Sa huling 2 buwan ay nakapamahagi na tayo ng mahigit 16 milyon pesos sa mahigit 4,000 TUPAD beneficiaries," anang LGU.

“Pipilitin nating makalikom pa ng karagdagang pondo para madaming mapabilang sa nasabing programa sa mga darating na araw," dagdag pa nito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang TUPAD program ay isang community-based package of assistance ng Department Labor and Employment (DOLE) na nagbibigay ng emergency employment para sa mga displaced workers, underemployed at seasonal workers, sa loob ng 10 araw at hindi lalagpassa 30 araw, ngunit depende ito sa trabaho.