San Mariano, Isabela-- Nagmistulang sasabak sa grand coronation night ang awra ng isang magpapabakuna nang magsuot ito ng evening gown at nagtungo sa vaccination site sa Community Center ng Sta. Filomena, San Mariano, Isabela.

Agaw-pansin sa lugar nila at naging viral sa social media ang ginawa ni Fernando "Fern" Pitacio alias Luzviminda Extravaganza.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa kanyang panayam sa Balita, nais lamang niyang magbigay kasiyahan sa gitna ng pandemya.

Photo Courtesy: Fern Pitacio (via Liezle Inigo)

Bukod sa gown, may suot din siyang korona at sash na may "Miss Fully Vaccinated."

"For entertainment and also for awareness about the importance of vaccination in this time of pandemic. Being vaccinated doesn't only mean that you get protected but also the people around you will be protected. And I believe that in this time of pandemic we can only choose 2--either we get vaccinated or we get cremated," ani Fern.

Ang kanyang data-type="URL" data-id=" video na inupload noong Nobyembre 12, ay umabot na sa 2.7 million views at 348.4k likes.

Samantala, nakuha niya ang kanyang first dose noong Oktubre 22, 2021, na kung saan kulay pula naman ang kanyang kasuotan.

"Red swimsuit crochet by Yzla.PH. Red is one of my favorite colors because it's the color of passionate love, fierceness, and elegance. Also, it's the color of my team in our major which is the Red Dragon," ayon kay Fern.

Si Fern, 20, ay kasalukuyang nasa 3rd year college student na may kursong Bachelor in Physicial and Health Education sa Philippine Normal University-North Luzon.

Pangarap daw niyang maging aktor at maging isang Famous Runway Model balang araw.

Liezle Basa Inigo