Isang benepisyaryo ng E-Konsulta program ng Office of the Vice President (OVP) ang gumawa ng dress-me-up dolls na tinawag na "Robredolls" bilang pasasalamat kay presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.

‘ROBREDOLLS’ — Vice President Leni Robredo shows off dress-me-up dolls created for her by one of the beneficiaries of the E-Konsulta program of the Office of the Vice President amid the coronavirus pandemic. (Screengrab from a Facebook video of Noel Ferrer)

Suot ang kulay pink at blue outfits ni Robredo, ang "Robredolls" ay ginawa ni ABS-CBN production designer Myke Francis, na isang beneficiary ng E-Konsulta program. Ginawa ito mula sa illustration ni Robert Alejandro.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa isang video na ipinost ng isang writer na si Noel Ferrer, makikita na binuksan ng bise presidente ang regalo. "So creative. Thank you," ani Robredo.

Sa isang magkahiwalay na Instagram post, sinabi ni Francis na natulungan siyang makarekober ng E-Konsulta program ng OVP mula sa COVID-19. Dahil dito, nais niyang personal na pasalamatan si Robredo.

“I thought of so many ways how I can ‘personally’ thank Mam Leni Robredo. I made masks, hats, tied ribbons, donated, supported fund drives but there was ‘meron pang pwede," aniya sa kanyang post.

“I made my version. Went further and made a ‘dress me up’ version with 4 of the Vice President’s outfit. As an ABSCBN Production Designer and a fashion fan I guess my mini project encapsulates all these,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Francis na ang mga dolls ay ang kanyang "thank you gift" para sa lahat ng pagsusumikap ni Robredo, lalo na sa panahon ng pandemya. “I needed to say my thank you to the last man standing. A woman in pink!”

Betheena Unite