Ibinunyag nitong Huwebes ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit umano ng cocaine ang isa sa kandidato sa pagka-pangulo sa 2022 national elections.

Ginawa ng Pangulo ang pagbubunyag sa dinaluhan nitong inagurasyon ng isa sa proyekto ng pamahalaan sa Calapan City, Oriental Mindoro nitong Nobyembre 18 kung saan nangako muli na lilipulin nito ang iligal na droga sa bansa.

Gayunman, hindi isinapubliko ni Duterte ang pagkakakilanlan ng naturang kandidato.

Aniya, "sobrang hina" ng pagkatao ng tinukoy niyang kandidato, gayunman, marami umano itong supporters.

"I will not make it clear now. There's even a presidential candidatena nag-cocaine," sabi ng Pangulo.

Ipinaliwanag nito na maimpluwensya ang nasabing kandidato at marami rin ang sumasamba dahil prominente ang ama nito.

"Bahala kayo kung ano ang gusto ninyong tao, inyo yan. Ang akin lang, pagdating ng panahon, basta sinabi ko sa inyo.And he is a very weak leader except for the name."

Hindi aniya babala sa mga botante ang kanyang pagbubunyag, gayunman, ipinaaalam lamang nito na gumon sa iligal na droga ang nabanggit na kandidato.

"Hindi ako nag-iintriga. Bahala kayo. Find outkung sino," sabi pa ni Duterte.

Kabilang lamag sa mga tumatakbo sa pagka-pangulo sinaSenators Christopher Lawrence "Bong" Go at Emmanuel "Manny Pacquiao, dating Senator Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso.

PNA