Viral ngayon sa Facebook ang nakamamanghang painting ng 19 taong-gulang na si John Cyril Dojaylo mula sa Roxas City, Capiz.

Sa 48 x 80 inches na painting ni John Cyril, hindi maiiwasang malito ang mga karaniwang mata sa detalye, linis at pulidong pagpinta nito.

Ipininta ng Capiz artist ang kanyang sarili na nagpipinta sa kanyang sarili.

Lifehacks

Socmed personality sa mga bata: 'Adulthood is not fun'

Larawan mula kay John Cyril Dojaylo

Kumplikado mang basahin o pakinggan, isang nakamamanghang life-size painting ang naging resulta ng malawak na imahinasyon ni John Cyril.

Sa pagbabahagi ng 19 taong-gulang na visual artist sa Balita Online, Marso 2019 nang unang mahumaling sa pagpipinta si John Cyril. Nag-umpisa siya sa mga “small size simple subject” kagaya ng landscapes.

Aniya pa, inabot ng 20 araw bago matapos ang halos perpektong obra ni John Cryril na “Me, Myself and I.”

Ang obra ay ikalawang bersyon sa una niyang natapos noong Mayo 2020. Kagaya ng ngayong proyekto, viral din sa Facebook nang ibahagi niya ito noong nakaraang taon.

Larawan mula kay John Cyril Dojayla

Bagaman hindi full-time sa pagpipinta, sinabi ni John Cyril na gumagawa siya ng mga commissioned arts.

Sa pag-uulat, nasa mahigit 26,000 reactions at halos 3,000 shares na ang obra ni John Cyril sa art community group na Artist’s Lounge PH.

Inulan din ng papuri at pagkamangha mula sa netizens ang comment section ng kanyang post.