Hindi makapaniwala ang Kapamilya soul singer na si KZ Tandingan na na-feature siya sa isang digital billboard sa Time Square sa New York City.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng singer ang kanyang billboard feature sa Spotify program na “Equal.”
Ang Equal ay isang inisyatiba ng music streaming giant na Spotify para ikampanya ang gender equality sa music industry at bigyan ng plataporma ang mga “influential female creators.”
“CONTINUE STREAMING 11:59 ON ALL DIGITAL MUSIC STREAMING PLATFORMS WORLDWIDE!! I CAN’T BELIEVE WE GOT THERE!!! ❤️?#KZ1159,” ani Kz sa kanyang Instagram post nitong Huwebes, Nob. 18.
Nitong Oktubre, nilabas ni KZ ang pinakabagong single nitong "11:59" sa ilalim ng Tarsier Records.
Nakiusap naman ng singer sa mga nasa Amerika na kuhanan ng larawan ang digital billboard at i-tag siya rito.
“Hey, if you’re in NYC and chanced upon this digital billboard in Times Square, would you mind taking a selfie with it in the background? haha I’d love to be there to see this IRL [in real life] but can’t so please make my dreamz come true! TAG ME PLEASE? ?❤️ thank uooou."
Samantala, bumuhos naman ang pagbati sa kapwa niya OPM artists sa naging success ni KZ.
Kabilang sa mga nagpaabot ng pagbati ang OPM legends na sina Martin Nievera, Lani Misalucha at Jaya.