Sa pagsasarado ng Commission of Election (Comelec) para sa pagsa-substitute ng mga kandidato para sa darating na 2022 elections, tatlong pormal na disqualification case na ang inihain laban kay dating senador at ngayon ay presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Basahin: Ilan na nga ba ang disqualification case vs BBM? Sinu-sino ang mga naghain?

Noong Nobyembre 18, kinumpirma ng spokesperson and chief of staff ni Marcos na si Vic Rodriguez sa interview sa "CNN" na may bigating lawyer ang naglakas loob na mag-boluntaryo para kay Marcos. Ito ay si Estelito "Titong" Patdu Mendoza.

Sino nga ba si Mendoza at anu-ano ang mga bigating laban ang naipanalo nito?

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

Si Mendoza, 91, ay isang Pilipinong lawyer na dating Solicitor General (sol gen) ng bansa mula sa taong 1972 hanggang 1986.

Noong siya ang sol gen ng bansa, matagumpay nitong napanatili ang 1973 Constitution mula sa mga ratification cases.

Dagdag pa rito, siya rin ay tumayo bilang chairman ng United Nations General Assembly Legal Committee noong 1976. At mula 1984 hanggang 1986, siya ang naglingkod bilang Minister of Justice.

Sa loob ng taong 1978 hanggang 1980; 1984 hanggang 1986, naging miyembro rin si Mendoza ng Batasang Pambansa.

Taong 1980 hanggang 1986 naman, siya ay naging gobernador ng Pampanga.

Kung babalikan, 1946 nang magtapos ng high school si Mendoza sa University of the Philippines (UP) High School.

Nagtapos nang may mataas na karangalan si Mendoza noong kinuha nito ang kanyang Bachelor of Laws degree sa UP College of Law, at grumaduate nang cum laude noong 1952.

Nakakuha naman siya ng Master of Laws degree mula sa Harvard Law School noong 1954.

Hindi na maikakaila ang husay nito sa batas lalo na nang maipanalo nito ang mga kaso laban sa mga 'bigating tao.'

Narito ang ilang sa mga kontrobersyal na kasong hinawakan ni Mendoza at tagumpay na naipanalo

1. Kaso kontra Bong Revilla

Absuwelto ang hatol ng Sandigan laban kay Revilla noong Disyembre 7, 2018, na kung saan ay nakasuhan ito ng plunder dahil sa kaugnayan umano nito sa pork barrel scam at ayon sa kaso ay nakapag-uwi ito ng P200 milyon.

2. Kaso kontra Gloria Macapagal-Arroyo

Absuwelto rin ang hatol kay dating Pangulo Macapagal-Arroyo noong Hulyo 2016, kontra kaso ng plunder dahil sa Philippine Charity Sweepstakers fund scam.

3. Kaso kontra Juan Ponce Enrile

Noong Agosto 2015, pinayagan ng Korte Suprema na makapag-piyansa si Enrile matapos masangkot sa pork barrel scam kasama sina Revilla at Jinggoy Estrada.

Hindi na nakapagtatakang binansagang "the lawyer of last resort" si Mendoza sa pagpanalo nito sa mga kontrobersiyal na kaso mapa-high profile man o hindi kilalang kliyente.