Dalawang komite ng Kamara ang nagsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong agrikultural.

Ang House Committee on Agriculture and Food ay nasa ilalim ni Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga samantalang ang Committee on Trade and Industry ay nasa pamumuno ni  Navotas City Rep. John Reynald Tiangco.

Sa magkasanib na online hearing noong Huwebes, nais malaman ng mga kongresista kung bakit tumataas ang presyo ng agricultural commodities, lalo na ang karne ng baboy at gulay.

Ang pagsisiyasat ng Kapulungan ay batay sa House Resolution 987 ni MAGSASAKA Party-list Rep. Argel Joseph Cabatbat; HR 1495 ni Quezon City Rep. Alfred Vargas; HRs 1504 at 1505 ni AGAP Party-list Rep. Rico Geron; HR 1512 ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo; HR 1515 ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter  Cayetano; HR 1522 ni Speaker Lord Allan Velasco; HR 1526 ni Parañaque City Rep. Joy Myra Tambunting; HR 1556 ni BAYAN MUNA Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate; at HR 1587 ni GABRIELA Party-list Rep. Arlene Brosas.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa kanyang opening remarks, sinabi ni Enverga na ang pagtatanong ay nakatuon sa kung ano bang talaga ang tunay na situwasyon ng pork importation ng DA at ang intervention programs nito upang mabawasan ang paghihirap ng livestock sector “because there seems to be a disparity in the situation on the ground.”

Ayon kay Enverga, ang magkasanib na komite ay inimpormahan ng DA sa nakaraang pagdinig na magkakaloob ng chillers sa ilang piling palengke sa National Capital Region (NCR). “Ano na po ang status ng programang ito?".

"While we acknowledge the efforts of the government to ensure food supply stability and curb inflation, Congress remains vigilant and continues to monitor the impact of government interventions to ease prices of agricultural commodities,” ayon sa mambabatas ng Quezon.

Sinabi naman ni Tiangco na dapat bigyang prayoridad ng DA ang komprehensibong pag-aaral sa price structure ng agricultural commodities para madetermina ang tamang interbensiyon na kinakailangan. 

Bert de Guzman