TACLOBAN CITY - Patay ang isang opisyal ng Commission on Election (Comelec) na nakatalaga sa Northern Samar matapos pagbabarilin ng mga hindi nakikilalang lalaki habang sakay ng motorsiklo sa Brgy. Somoge Catarman nitong Huwebes, Nobyembre 18.
Dead on arrival sa Northern Samar Provincial Hospital ang biktimang siJames Diaz Maghanoy, 42, nakatalaga sa Lope De Vega ng nabanggit na lalawigan bilang election officer, at taga-Brgy. Cawayan, Catarman dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan.
Sa paunang ulat ng pulisya, pauwi na ang biktima mula sa trabaho sakay kanyang ng motorsiklo.
Habang tinatahak ang national highway, bigla na lamang siyang pinagbabaril ng mga hindi nakikilalang lalaki, dakong 5:00 ng hapon.
Matapos ang pamamaril, kaagad na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi mabatid na direksyon.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.
Marie Tonette Marticio