Hayagan na ngayon ang aktor at anak ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na si Jake Ejercito sa kanyang politika.
Nitong Huwebes, Nob. 18, ibinunyag ng aktor sa Twitter ang kanyang pakikiisa noon sa protesta laban sa kontrobersyal na paglagak kay dating Pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng Mga Bayani.
“5 years ago today, I joined a rally to protest FEM [Ferdinand Emmanuel Marcos] at LNMB [Libingan ng mga Bayani]. Had to cover my face with a bandana for personal reasons,” sabi ng aktor.
Ngayon ay lantaran na si Jake sa kanyang politika. Sa ikalawang larawang ibinahagi ng aktor, suot niya ang mask na may mga salitang “Leni Robredo 2022,” loud and proud na si Jake na isapubliko ang kanyang politikal na paniniwala.
“5 years later, face still covered, but this time loudly and proudly #tumindig.”
Mapapansin din sa iba pang Twitter posts ng aktor ang hayag na pagbatikos sa nakaraang substitution ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio upang maging kahalili ni dating senador Ferdinand "Bongbong" Marcos sa pagkabise-presidente at presidente.
Ilang linggo bago matapos ang voter's registration, hinikayat din ng aktor ang kanyang followers na magparehistro para sa Halalan 2022.