Nakitaan muli ng pagbaba sa bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa San Juan City, ayon kay Mayor Francis Zamora nitong Biyernes, Nobyembre 19.

Nakapagtala na lamang ng 30 na aktibong kaso ng COVID-19 habang 14,884 ang recoveries, at 326 ang namatay, base sa huling datos nitong Nobyembre 18.

“I enjoin each and every San Juaneño and Filipino to continue following all health and safety protocols for the numbers to further go down especially now that Metro Manila is already under Alert Level 2,” ani Zamora.

Samantala, sa huling datos nitong Nob. 18, nakapagpabakuna na ng first dose ang city government sa 211,387 na residente nito, habang 192,936 naman ang fully vaccinated.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Patrick Garcia