Inaliw ng isang turista ang netizens sa kakaiba nitong pakulo. Ito ay matapos ipa-print niya ang kanyang health verification card.

Ibinida ni Lenmar Davidson ang kanyang health declaration form niya sa social media noong bumisita ito sa isla ng Boracay.

Aniya, mahigpit ang protocol na ipinapatupad sa nasabing lugar.

Dagdag pa ni Davidson, naisipan niya magdiwang ng kaarawan sa Boracay kaya naman ay pina-tarpaulin niya ang card para paniguradong papasukin siya doon.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

"Naisipan ko po na mag-print ng ganyang kalaki na health verification form para sure na talaga na makakapasok ako sa Boracay. Mahirap din kasing mag-travel lalo na may mga requirement," ani Davidson sa isang interview.

Naniniwala naman siya na 'deserve' niyang i-flex ang kanyang declaration form dahil mahigpit ang patakaran sa Boracay at pangarap niya na makapag-beach lalo na sa nasabing lugar bago ito magdiwang ng kaarawan.

"But 'yung sa pag-process ng requirement ng Boracay, (sa tingin ko) deserve ko ang health declaration form na ito, alam niyo naman na mahigpit 'yung protocol dito at dream ko po talaga na makapag-beach, especially sa Boracay before my birthday," ani Davidson.