Binisita ni Presidential aspirant Vice President Leni Robredo si Senador Leila de Lima nitong Huwebes, Nobyembre 18, sa Camp Crame.

Vice President Leni Robredo flashes the “D5” handsign after visiting detained Senator Leila de Lima in Camp Crame on Thursday, Nov. 18. (Photo from De Lima’s office)

Inilabas ng opisina ni De Lima ang larawan ni Robredo nang bumisita ito sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center nitong Huwebes ng umaga.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“At around 11:30AM earlier today, Robredo visited De Lima at her detention quarters at the PNP Custodial Center, inside Camp Crame,” ayon sa isang post sa official Facebook page ni De Lima.

Nagpose si Robredo na "D5" handsign na ginagamit ni De Lima, na muling tatakbong bilang senador sa ilalim ng senatorial slate ng bise presidente.

(Photo from Senator Leila De Lima’s office)

Samantala, sa labas ng Camp Crame, nagkaroon ng flash mob ang mga supporters ni De Lima upang iprotesta ang patuloy na pagkakakulong ng senadora.

“Free Leila now,” ayon sa mensaheng nakalagay sa kanilang payong.

Maglilimang taon nang nanakulong ang senadora dahil sa umanong dalawang drug-related cases na isinampa laban sa kanya.