Pinagtibay ng dalawang komite ng Kamara ang mga panukalang batas na ang layunin ay mapabuti ang implementasyon ng traffic rules at regulations.

Inaprubahan ng House Committee on Metro Manila Development sa ilalim ni Manila Rep. Manuel Luis Lopez at Committee on Transportation sa pamumuno ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, ang dalawang panukala para mapaigi ang pagpapatupad ng mga regulasyon at panuntunan sa trapiko. 

Ang pinagtibay ay ang House Bill 5656 ni Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, na nagre-require sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipatupad ang text/e-mail notification system upang agad maimporma ang mga violator ng No Contact Traffic Apprehension Policy.

Ipinasa rin ang HB 9368 ni Senior Deputy Speaker Doy Leachon, na nagre-regulate sa No Physical Contact Apprehension Policy sa pagpapatupad ng mga batas sa trapiko, ordinansa, alituntunin at regulasyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We are all aware of the many problems faced by the motorists and vehicle owners, especially with the different apprehension and ticketing methods or systems in place in our country,” ayon kay Lopez. “Iba-iba ang sistema ng pamamalakad sa trapiko. Dagdag pa dito, iba-iba din ang istilo at sistema ng mga iba’t-ibang traffic enforcers."

Bert de Guzman