Naniniwala si presidential aspirant at senador Manny Pacquiao na makukuha niya ang solid votes ng mga taga Visayas at Mindanao.
"Pagdating kasi sa Presidente, I’m sure yung mga Mindanaoan saka Bisaya, maso-solid ko naman siguro 'yun dahil pareho kaming mga Bisaya. Siyempre, saan pa boboto yung mga Bisaya? Sa kapwa Bisaya," wika ni Pacquiao sa dinaluhang courtesy call na ibinigay sa kaniya Bulacan Governor Daniel Fernando.
Si Pacquiao ay tumatakbo sa pagka-presidente sa ilalim ng PROMDI party. Siya ay tubong General Santos City sa Mindanao, at naging residente naman sa lalawigan ng Sarangani.
Ngunit hindi lamang si Pacquiao ang nagmula sa Mindanao. Ang kapwa senador at katunggaling si Christopher "Bong" Go ay mula naman sa Davao City, at nakapagsasalita ng wikang Cebuano.