Maraming time mang-intriga at kay talas talaga ng mata ng mga Marites!
Napansin kasi ng ilan na tila naka-unfollow si KC Concepcion sa mga kapatid niya sa side ni Mommy Megastar Sharon Cuneta na sina Kakie at Miel Pangilinan sa kaniyang Instagram account, samantalang naka-follow pa rin siya sa mga social media accounts ng kaniyang mga kapatid sa side naman ni Daddy Gabby Concepcion na sina Samantha, Garie, and Cloie.
Kaya tanong tuloy ng marami, anyare? May hindi ba sila pagkakaunawaan?
Kamakailan lamang ay iniintriga ng mga netizens si Shawie dahil may favoritism umano siya dahil hindi man lamang daw dinalaw si KC sa tinutuluyan nito at sinamantala ang pagkakataon, gayong nasa Amerika na siya at dinalaw naman ang anak na si Khakie na nasa New York. Bagay na sinagot naman ni Mega na hindi ito totoo at gawa-gawa lamang ng mga mapanghusgang netizens.
Subalit mukhang in good terms naman sila ng kaniyang step dad na si presidential aspirant Senador Kiko Pangilinan. Nag-post pa nga siya sa sweet birthday message sa Instagram na buo ang suporta niya sa kaniyang 'Dad'. Kalakip nito ang luma nilang larawan kasama si Kiko, si Mega, at sina Khakie at Miel.
"Your love for family and country is genuine and true. Thank you for all the things that you do. This is our family’s biggest milestone yet…" aniya.
"Dad, whatever the outcome, let the welfare of others be your motivation and strength."
"A Harvard alumnus. A UP and La Salle raised lawyer. An Ateneo professor. 20 years of serving the people as Senator."
"You deserve my vote and the Vote of the People. May God bless the long journey towards becoming the next Vice President of the Philippines. Mahal kita."
Samantala, baka naman ito umano ay bahagi lamang ng kaniyang 30-day social media detox na ibinahagi niya sa kaniyang vlog?
Aminado siya na may mga inunfriend o inunfollow siya sa social media, lalo na sa Instagram
“I have been unfollowing a couple of people on Instagram. Actually not a couple! I’ve unfollowed about 2,000 accounts on Instagram, actually not a couple, but a couple of thousand of people on Instagram (laughs). Because I realized that I don’t really follow them truly."
“I want to make space for the people and accounts that I actually do follow, that I actually really like to learn from. And they really shouldn’t take it personally. It’s just something I feel, I mean if I haven’t talked to you in like years. But really the priority is to delete old photos or sometimes there’s like duplicates na hindi natin na no-notice or documents that we don’t actually need anymore. So I like to declutter just my phone and my laptop. Mag-delete ng mag-delete ng mag-delete….”
Wala pa namang post o pahayag si KC tungkol sa isyung ito.