Kurot sa puso ang epekto ng isang maiksing note o sulat na iniwan ng isang customer sa isang kainan.

"One of our regular guests left this heartbreaking note at the store today," saad sa caption sa Facebook post na makikita sa official FB page ng 'Kanto Freestyle Breakfast' na may tatlong branches sa National Capital Region o NCR.

"It has been our pleasure to be a part of your love story. May you find comfort in the happy memories that you and Alex had at Kanto Freestyle Breakfast."

Human-Interest

AI software na detector ng bara sa puso, inimbento ng Grade 11 students

Screengrab mula sa FB/Kanto Freestyle Breakfast

May be an image of food and indoor
Screengrab mula sa FB/Kanto Freestyle Breakfast

Naging trending naman ito at agad na pinag-usapan. Ang note o sulat ay para sa nagngangalang 'Alex' at ang sumulat ay maaaring jowa niya, na hindi na natukoy ang pagkakakilanlan.

Batay sa mensahe, mukhang sumakabilang-buhay na si Alex, at ang customer na nag-iwan ng sulat ay ginawa lamang ang huling nais nito---ang makakain sila sa naturang kainan. Hindi rin tinukoy kung ano ang dahilan ng pagkamatay ni Alex.

Mapapansin ding dalawang tasa ng kape ang inorder ng customer at may naiwan pang pancakes.

"Alex… Oh ayan, tinupad ko na isang usapan natin na magkakape rito sa Kanto, kaso ako na lang (mag-isa). PAALAM mahal ko… hanggang sa muli nating pagkikita. Salamat sa lahat ng alaala dito sa Kanto… Rest in peace my loves."

Narito naman ang ilan sa reaksyon at komento ng mga netizens.

"One of the saddest things ever—fulfilling a bucket list you made with someone, but they are no longer there."

"Bigla naman akong nalungkot dito. Grabe naman naiiyak ako."

"Sad real talk na walang forever pero mananatili sa mga naiwan sa puso natin mananatiling alaala na lang."

"Di ko alam kung rest in peace ba dahil namatay yung katipan o rest in peace siya sa 'yo dahil konsumisyon ka sa kanya.."

"Kumakain din naman ako rito mag-isa pero bakit hindi naman ako naging trending haha joke. Heart-warming!"