Tatlong pormal na disqualification case na ang inihain laban kay dating Senador at presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Noong Nobyembre 2, 2021,binanggit ng mga naghain ng petisyon na sinaFr. Christian Buenafe ng Task Force Detainees, Fides Lim ng Kapatid, Ma. Edeliza Hernandez ng Medical Action Group, Celia Lagman Sevilla ng Families of Victims of Involuntary Disappearance, Roland Vibal ng PH Alliance of Human Rights, at Josephine Lasvanong Balay Rehab Center, nagkaroon umano ng multiple false material representations sa certificate of candidacy (COC) ni Marcos na iniharap nito sa Comelec. Nag-ugat ito sa tax evasion case ng dating senador kung saan ito na-convict noong 1995.
Habang noong Nobyembre 8, 2021 naman, naghain sa Comelec ng petition-in-intervention sina Edwin Reyes, Napoleon Siongco, Fernando Guevara, Rommel Bautista, Santiago Muńoa Jr, Glenn Gallos, Noel Carpio, Joel Mayo, Marie Soriano, at Mario Montejo.
Sa kanilang mosyon, ipinaliwanag ng mga ito na napatunayang nagkasala umano si Marcos sa paglabag sa Section 45 at Section 50 ng National Internal Revenue Code at pinagbawalan na itong humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.
Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/11/dq-case-vs-bbm-lulutasin-bago-ang-2022-elections-comelec/
Nitong Miyerkules, Nobyembre 17, 2021, inihain ang petisyon na humihiling na i-disqualify si Marcos sa 2022 national elections.
Isa sa mga naghain ng petisyon ay si labor leader Saturnino Cunanan Ocampo.Katwiran ni Ocampo, hindi dapat payagang tumakbo sa eleksyon si Marcos dahil convicted na ito sa tax evasion case.
Kasama rin sanagpetisyonsinaBonifacio Parabuac Ilagan, Maria Carolina Pagaduan Araullo, Trinidad Gerlita Repuno, Joanna Kintanar Cariño, Elisa Tita Perez Lubi, Liza Largoza Maza, Danilo Mallari dela Fuente, Carmencita Mendoza Florentino, Doroteo Cubacub Andaya Jr., Erlinda Nable Senturias Sr., Arabella Cammagay Sr., Cherry Ibardolaza CSSJB Sr., Susan Santos Esmile SFIC, Homar Rubert Roca Distajo, Polynne Espineda Dira, James Carwyn Candila at Jonas Angelo Lopena Abadilla.Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/17/1-pang-petisyong-i-disqualify-si-marcos-isinampa-comelec/
Samantala, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na hinangad din ni presidential aspirant Tiburcio Marcos na kanselahin ang COC ng dating senador, habang nais din ng isang independent candidate na si Danilo Lihaylihay na ideklara ng Comelec na "nuisance candidate" si Bongbong Marcos.